Una sa Balita

Oconer advance mag-isip

0 321

NINANAMNAM pa ni George Oconer ng Standard Insurance-Navy ang kanyang tagumpay pero nakatutok na agad siya sa pagdepensa ng kanyang titulo sa LBC Ronda Pilipinas na dadayo sa Mindanao sa susunod na taon.

Hinirang na bagong kampeon si Oconer, 28, sa katatapos na ika-10 edisyon ng pinakamalaking cycling race sa Pilipinas.

Bukod kay Oconer, kampeon sa team classification ang Navymen kaya puntirya rin nilang ipagpatuloy ang kanilang dominasyon sa event na inorganisa ng LBC sa pakikipagtulungan ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation.

“Sana madepensahan ko ang korona ko sa susunod na taon,” masayang sabi ni Oconer na taga-San Mateo, Rizal.

Nagsimula ang 10-stage race sa Sorsogon at nagtapos sa Vigan City sa karerang itinataguyod ng Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling.

Unang titulo ni Oconer, anak ni dating two-time Olympian Norberto, sapol ng pumedal noong 2011.

Inungusan ni Oconer ang mga tigasing siklista tulad nina former Ronda winners Santy Barnachea (2011, 2015) ng Scratch It, Mark Galedo (2012) ng 7-Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines, Reimon Lapaza (2014) ng Celeste Cycles and Standard teammates Jan Paul Morales (2016, 2017) at Ronald Oranza (2018). (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More