Una sa Balita

Ocmer, Reynado, Calupas sumisid ng 4 gold, 1 silver sa Macau Diving

By
0 115

UNTI–UNTI nang gumigilas ang bagong Philippine Diving Team matapos humakot ng 4 gold at isang silver ang tatlo katao nitong delegasyon na sumabak sa 8th Macau Internatio­nal Diving Invitational noong Nobyembre 2 – 4, 2018 sa Olympic Sports Arena sa Macau Aquatic Center.

Ang 3 batang diver ay binubuo nina Rose Ann Ocmer mula sa Ateneo de Manila University, Joseph Reynado ng Universidad de Manila at Kiel Ainsley Calupas ng Araullo High School habang nakasama nila ang coaches na sina da­ting national diver Niño Carog at Chinese coach Cui Xiao Feng.

Nagwagi ng gold ang pares nina Calupas at Reynado sa Men’s Synchronized habang iniuwi ni Calupas ang ikalawang gold ginto sa Men’s individual platform.

Nagwagi naman ng gold si Ocmer sa women’s individual platform bago nakipagtambalan kay Calupas para agad na masungkit ang gold medal sa Men and Women’s synchronized event.

Ang tanging silver ay napunta kay Reynado na sumegunda sa Men’s individual platform.

Unang tsansa ng mga batang diver na makasali sa koponan matapos na ilahok mismo ni Chinese coach Cui.

“As an old Chinese saying goes, gold will shine. I believe a lot of people know how he chooses to work hard and build a strong team in tough times,” ani Cui, na 3 taon na sa ‘Pinas sa pagtuturo ng diving.