Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ochoa kampeon sa Delarmente chess

0 334

NANGIBABAW si dating World Youth Championship campaigner Karl Victor Ochoa ‘Honorable Counselor Dra. Doray Delarmente’ online chess tournament sa lichess.org.

Tumapos ng 62 points si Ochoa mula sa 26 games na may win rate 77 percent at performance rating 2460 para magkampeon sa event na inorganisa ng Manresa De Ajedres Chess Club na nasilayan ang 219 players.

Nakamit naman ni International Master (IM) Michael ‘Jako’ Concio Jr. ang second spot na may 58 points sa 25 games na may win rate 76 percent para sa performance rating 2548.

Nasa third place si Kyle Ochoa (nakababatang kapatid ni Karl Victor), na may 58 points at katabla si Concio subalit nalagay sa third spot na may lesser game na 24.

Leave A Reply

Your email address will not be published.