Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ochoa ginto sa US jiu-jitsu

0 71

PINAGULONG ni 2019 World Brazilian Jiu-Jitsu champion Margarita “Meggie” Ochoa ang katunggaling Amerikana upang makapag-uwi ng gintong medalya sa American National IBJJF Jiu-Jitsu Championships sa Las Vegas Convention Center.

Dinaig ng 32-anyos na two-time Southeast Asian Games gold medalist ang teammate na si Faye Lynn Cherrier ng Atos Jiu-Jitsu sa women’s adult brown belt category sa bisa ng 6-2 iskor sa finals.

Nakakuha naman ng tansong medalya sina Jazmin Hamuy ng Manzur Bros matapos talunin sa preliminaries si Cherrier, habang dinomina ni Ochoa si Stephanie Souza Penido ng Gracie Barra via 13-0 sa unang laro.

Nasundan ng under-45kgs 2017 Asian Indoor Martial Arts Games champion ang magkasunod na nakuhang silver medal finish sa IBJJF World Jiu-Jitsu Championships sa The Walter Pyramid sa Long Beach, California noong Hunyo 1-5 sa parehong kategorya at ang 2022 Pan American IBJJF Championship sa Silver Spur Arena sa Kissimmee, Florida noong Abril bago ganapin ang 2021 SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

Dinomina rin ng 2018 Jakarta-Palembang Asian Games bronze medalist ang women’s under-48kgs nang talunin sa round robin sina Kanjutha Phattaraboonsorn ng Thailand at Khoon Yin Bless Yeap ng Malaysia, habang tumapos sa silver medal si Minh Duong Thi Thanh ng Vietnam sa nagdaang Hanoi meet.(Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.