Una sa Balita

OceanaGold mining sa N. Vizcaya pinasasara

0 324

Nagsanib puwersa ang mga indigenous community, local government leader, at environmental advocate sa Nueva Vizcaya upang himukin si Pangulong Rodrigo Duterte na isara ang higanteng kompanya ng minahan na Oceana­Gold Philippines Inc. (OGPI) na nag-ooperate ng copper at gold mine sa lalawigan.

Sa ginanap na press conference nitong Martes, sinabi ni Leon Dulce, natio­nal coordinator ng Kalikasan People’s Network for Environment, isa sa mga grupong sumusuporta sa kampanya laban sa foreign mining company, hiniling nila kay Pangulong Duterte na kanselahin na ang Financial and Technical Assistant Agreement (FTAA) ng Australian-Canadian large scale mining corporation na OGPI.

“Oceana Gold’s des­tructive big mi­ning has been barricaded by indigenous communities, recently opposed in a unanimous provincial council resolution, and is even currently investigated by nine Uni­ted Nations special rapporteurs. It is high time for the Duterte government to cancel Oceanagold’s FTAA license and compel the destructive mine to answer for it’s various right violations,” giit ni Dulce.

Nabatid na ang FTAA ng OceanaGold ay mawawalan na ng bisa sa darating na Hunyo 30 ng taong kasalukuyan matapos ang 25 taon.

“We believe that more than a decade of human rights violations and other nega­tive impacts against communities and ecosystems in Nueva Vizcaya are a strong basis for denying the mi­ning company’s extension,” dagdag pa ni Dulce.

Sinuportahan naman ng Alyansa Ti­gil-Mina (ATM) sa pa­ngunguna ni Jaybee Garganera, natio­nal coordinator, ang pa­nawagan ng mga apek­tadong komunidad na ipasara ang Dipidio mines sa Kasibu town, sa nasabi ring lalawigan.

Hiniling ng ATM sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pinamumunuan ni Secretary Roy Cimatu na huwag nang payagan pa na makapag-apply o ma-renew ang lisensiya sa FTAA ng nabanggit na higanteng mining company na mag-eexpire na sa katapusan ng buwan ng Hunyo.

Malaki umano ang paniwala ng ATM na gumawa ng mala­king paglabag sa environmental laws ng bansa ang OGPI, gaya nang paninira ng watershed, polusyon sa mga ‘water resources’ at pagbawas sa mga gamit na tubig ng mga residente.

“The human right of the residents in Didipio have been viola­ted and abused, as concluded by the Commission on Human Rights (CHR), when it issued its resolution last 2011. The CHR has recommended to the Phi­lippine government to consider withdrawing the mining contract of OGPI. There is no more excuse for the continued mining operations of OGPI in Nueva Vizcaya.” paliwanag ng grupo. (Dolly Cabreza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy