Una sa Balita

Occupational safety and health

By
0 106

Noong nakaraang Martes, Oktubre 9, 2018, pina­ngunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ceremonial signing ng Republic Act 11058 – “An Act strengthening compliance with Occupational Safety and Health Standards and providing penalties for violations thereof” – sa Malacañang.

Ang RA 11058 ay mula sa House Bill 64, isang consolidated bill ng apat na indibiduwal na panukala – HB80, HB1044 at HB1676 na aking ipinanukala.

Dahil sa pagsasabatas nito, nadagdagan ang proteksyon ng ating mga empleyado at manggagawa, lalo na ang nasa mga larangang mayroong kaakibat o angking peligro. Hinihingi kasi ng bagong batas ang masugid na pagsunod ng mga employer sa occupational safety and health standards.

Sa ilalim ng batas na ito, obligasyon ng bawat employer, contractor, sub-contractor o sinuman na nagma-manage, nagkokontrol o nagsu-supervise ng trabaho na siguru­hing ligtas ang lugar ng trabaho; magpatupad ng mga programa para magkaroon ng tamang kaalaman ang mga empleyado at manggagawa sa occupational safety; magpatupad ng mga paraan para bawasan ang mga peligro; tiyakin na lahat ng mga gagamiting tools, devices at equipment ay pasok sa mga specification ng pangkaligtasan; at sumunod sa mga panuntunan ukol sa training, medical examination at pagkakaroon ng protective at safety devices tulad ng mga personal protective equipment at machine guard.

Kung sinuman ang mapatutunayang hindi susunod o susuway ay maaaring mapatawan ng administrative fine hanggang P100,000 per day ng violation o kung magkano pa na ipapataw ng secretary of Labor and Employment hanggang maituwid ang violation, kaakibat ang ano pa mang kasong kriminal o sibil na maaaring isampa sa korte.

Maaari ring patawan ng korte ng fine na hindi bababa sa P100,000 ngunit hindi hihigit sa P250,000 o pagkabilanggo ng hindi bababa sa isang taon at isang araw ngunit hihigit sa anim na taon o pareho.

Kung may mamatay dahil sa hindi pagsunod sa batas, papatawan ang employer o sinumang res­ponsable ng fine na P250,000 hanggang P500,000 o pagkabilanggo ng anim na taon at isang araw hanggang 12 taon o pareho, sa pasya na korte.

Kung ang violation ay ginawa ng isang kor­porasyon, trust o firm, partnership, o association, ang parusang pagka­bilanggo ay ipapataw sa mga responsableng opisyal tulad ng president, vice president, chief exe­cutive officer, general manager, mana­ging director o partner ng organisasyon.

Mahalagang mabanggit na hindi pasok sa probation law ang sinumang mapaparusahan sa ilalim ng batas na ito.
Sa loob ng 90 araw ay dapat maglabas ang Department of Labor and Employment ng implementing rules and regulations para sa pagpapatupad nito.