Una sa Balita

Obrero utas sa riding-in-tandem

By
0 95

BUMAGSAK sa semento ang duguang katawan ng isang machine operator, makaraang pagbabarilin ng ri­ding tandem, habang sugatan naman ang magandang estudyante, matapos tamaan ng ligaw na bala sa Valenzue­la City, kamakalawa nang gabi.

Makalipas ang isang oras, binawian ng buhay habang ginagamot sa Valenzuela City Medical Center si Rowel Roque, 42-anyos, residente ng No. 6406, C.F. Natividad St., Brgy. Mapulang Lupa ng nabanggit na lungsod, dahil sa mga tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa dibdib.

Naoperahan na sa nabanggit na ospital si Alysha Cadenas, 18, kalugar ni Roque, saan nakuha ang isang punglo na nakabaon sa kaliwang siko ng dalaga.

Sa report ng pulisya, sakay ng motorsiko si Roque at binabaybay ang kahabaan ng C.F. Natividad St., Brgy. Mapulang Lupa.

Biglang nag-over take ang dalawang lalaki at sumigaw ng “Hoy!” ang angkas nito saka bumunot ng baril at pinutukan ang biktima.

Nahulog sa motor si Roque habang duguan si Cardenas matapos tamaan ng ligaw na bala na noo’y naglalakad papauwi.

Hinala naman ng mga pulis posibleng nakursunadahan lang ang biktima, lalo pa’t sinabi ng kanyang mga kaanak na wala itong kagalit.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.