Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Obrero tigok sa sinanlang trike

0 48

Binaril hanggang sa mapatay ng isang lalaki sa Malabon City ang kapitbahay nitong construction worker makaraang magtalo dahil sa isinanlang tricycle.

Dead on-the-spot si Jesus Mancio Jr., 49, naninirahan sa Hiwas St., Barangay Longos ng nasabing siyudad, matapos magtamo ng tama ng bala ng cal. 9mm sa katawan.

Kaagad namang tumakas ang suspek na si Edgar Garcia, nasa hustong gulang, dala ang baril na ginamit sa krimen.

Sa ulat ng pulisya, bandang ala-una Linggo ng hapon, nakita ni Garcia si Mancio sa kahabaan ng Kuyog Alley corner Lapu-Lapu Street sa Barangay Longos, Malabon City.

Sinabihan daw ng suspek ang biktima na kukunin na niya ang isinanla nitong tricycle sa huli hanggang sa nagkaroon ang dalawa ng mainitang diskuyon.

Sa puntong iyon, sinasabing binunot na ni Garcia ang dalang baril at pinaputukan si Mancio na siya nitong ikinasawi. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.