Una sa Balita

Obrero sa Ilocos Norte sinunog ng mga kasamahan

By
0 144

MATAPOS mambato at maghamon ng away sa mga kasamahang construction worker, nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang lalaki matapos siyang sunugin sa Brgy. 18, San Nicolas, Ilocos Norte noong Martes.

Nagtamo ng 2nd degree burn at kasaluku­yang ginagamot sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMHMC) Batac City si Jomar Gungab, ng Brgy. 18 ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng San Nicolas Police Station (SNPS), sa hindi ma­lamang dahilan ay binato ni Gungab ang kanyang tinutuluyang bahay at nag­labas ng patalim. Tinutukan ang ilang kasamahan na sina Francis Real, Christian Real, at dalawa pa na pawang taga-Gattaran, Cagayan.

Dahil hindi maawat si Gungab, kinuyog ito, itinali at inihagis sa umaapoy na bagay at doon nasunog ang iba’t ibang parte ng katawan nito.

Hinahanda na ang kaso laban kay Gungab dahil sa pambabato sa isang construction site habang plano ng pamil­ya Gungab na magsampa ng kontra reklamo demanda sa mga construction worker dahil sa pagsunog nila sa una.