Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Obrero pisak sa minanehong truck

0 94

Todas ang isang construction worker nang magulungan ng 10-wheeler dump truck na kanyang minamaneho sa quarrying site sa Barangay Guzon, Tayug, Pangasinan.

Kinilala ng Tayug Police Station ang biktima na si Orlando Delfin, 39, driver ng ZOE Brothers Quarry, ng Brgy. Torekec.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente alas-11:45 Martes ng umaga sa quarrying site. Ayin sa saksi, nagmamaniobra umano ang biktima ng truck nang bigla itong madiskaril. Posible umano na dahil sa nerbiyos ay tumalon ito sa driver’s seat at sa kasamaang palad siya ay nagulungan ng truck.

Dinala pa ito sa Eastern Pangasinan District Hospital pero dead on arrival na dahil sa grabeng pinsalang natamo. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.