Una sa Balita

Obrero lasog sa sumabog na backhoe

By
0 218

HALOS malasog ang katawan ng isang constuction nang masabugan ito ng cylinder hose ng backhoe na inooperate ng kanyang katrabaho sa Valenzuela City, kamakalawa.

Dead on the spot si Rustom dela Cruz, 23, ng 324 Bakawan St., Barangay Camangyanan, Sta. Maria, Bulacan. Agad namang tumakas ang driver ng backhoe na si Dariel Timario, 21, may-asawa, ng Macabebe. Pampanga.

Ayon sa pulisya, abala sa pag­huhukay si Dela Cruz sa ginagawang flood control pro­ject construction site River side sa Barangay Palasan, Valen­zuela City, dakong alas-5:45 ng hapon.

Naroon din sa lugar si Timario na kasalukuyang ino-operate ang backhoe kung saan nakalatag sa tubig ang cylinder hose.

Aksidenteng tinamaan ng bakal ng backhoe ang biktima sa katawan at pumulupot ang cylinder hose sa katawan nito saka sumabog na naging sanhi ng kamatayan ng biktima.

Sa halip na tulungan, nagtatakbo papatakas ang suspek na umano’y nataranta sa pangyayari.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy