Una sa Balita

Obrero inabutan ng curfew, binoga sa subdivision

0 313

By Gene Adsuara

NASAWI ang isang 30-anyos na obrero makaraang barilin ng security guard nang sitahin dahil sa ipinapatupad na curfew sa loob ng isang subdibisyon sa Imus City, Cavite.

Namatay noon din ang biktimang si Jayson Benedicto, 30, binata, tubong Masbate at stay-in sa isang construction site sa Brgy. Alapan 2-A, Imus City.

Naaresto naman ang suspek na si Eddie Perez Jr., 30, security guard, binata at residente ng Block 28 Lot 5 Heleconia St. Parksville residences Brgy. Alapan 2-A Imus City, Cavite.

Sa ulat ni Pat. Jessie Villanueva ng Imus City Police Station, dakong alas-11:30 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente sa loob ng subdibisyon sa Orchid St., Parksville Residences, Brgy. Alapan 2-A, Imus City.

Nauna dito, nag-inuman ang biktima at ilang kasamahan nito sa trabaho sa loob ng ginagawang bahay at matapos mag-inuman ay lumabas ito at nagpasyang magpahinga.

Tiyempo namang nagro-roving ang suspek sa lugar at nang nakita ang biktima sa labas at sinita nito at ipinaalala ang umiiral na curfew sa subdibisyon.

Hindi nagustuhan ng biktima ang paninita ng suspek sa kanya na nagresulta sa kanilang pagtatalo hangang sa nagbunot sa baril at binaril ng dalawang beses na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Naaresto naman ang suspek sa pagresponde ng pulis at narekober sa kanya ang kalibre 38 baril na ginamit sa pamamaril.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy