Una sa Balita

Obrero dinedo

By ,
0 99

Dalawang bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril ang itinanim sa ulo ng isang obrero ng hindi pa nakikilalang salarin sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang biktimang namatay noon din na si Nestor Rosana Ma­ngahas, 42, may asawa, at residente ng No. 582, Mendez St., Brgy. Baesa, ng nasabing lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Helario Wanawan ng CIDU-QCPD, nangyari ang pagbaril sa biktima dakong alas-8:30 ng gabi sa Brgy. Bahay Toro.

Nagpaalam umano ang biktima sa kanyang asawa na si Jenny Rose Escallon na may imi-meet lamang siya na isang kaibigan sa Brgy. Bahay Toro at titing­nan umano nito ang ibi­nibentang singsing na ­ginto subalit hindi nito ­binanggit kung sino at kanino siya makikipagkita.

Ilang minuto lamang ang nakalilipas ay huma­hangos ang mga kapitbahay ni Jenny Rose at sinabing nabaril ang kanyang asawa.

Agad namang nagtu­ngo si Jenny Rose sa na­sabing lugar at doon ay nakita niyang duguang naka­handusay ang biktima.

Nasamsam ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng QCPD ang P50.00 bill, silver ring, at dalawang basyo ng bala ng baril sa lugar na pinangyarihan ng krimen. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy