Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Obra sa dahon! Netizen napa-wow ng Pinay artist

0 21

Takaw-pansin sa mga netizen ang talento ng isang Filipina artist na pag-ukit ng mga imahe sa dahon.

Ilan sa mga obra ni M M Aguilo Dacanay na nag-ingay sa social media ang inukit niyang munting watawat ng Pilipinas sa dahon at isang tribute sa Araw ng Kalayaan.

Mayroon din siyang mga obra ng mga tao gaya nina San Antonio De Padua at St. Padre Pio.

Inuukit niya ang mga imahe sa dahon gamit lamang ang scalpel at cutter.

Mas gusto raw ni Dacanay na gumamit ng mga dahon ng langka at avocado dahil makapal at matibay ang mga ito.

SM food to go Banner Ad

Nang mawalan siya ng trabaho bilang factory worker dahil sa pandemya, naisip niyang gawing negosyo ang kanyang hobby na pagle-leaf art. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.