Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Obra ng artist sa Capiz nangabog uli

0 50

Kuminang ang galing ng isang Pinoy painter dahil sa realistic nitong pinta.

Agaw-eksena ang huling obra ni John Cyril Dojaylo mula sa Roxas City, Capiz kung saan siya ang bida at lumitaw na makatotohanan ang kanyang self-portrait na gawa sa oil at canvas.

“Me, Myself and I (2). Remaking my original Painting na nag viral at kumalat around the world last year…and this time I want to make it more realistic,” saad niya sa Facebook post kung saan maraming netizens na ang humanga sa kanyang meta, hyperrealistic portrait na animo’y totoong nakalabas siya sa canvas.

Magugunitang kinabiliban na rin ang mailusyon na painting ni Cyril noong nakaraang taon na bukod sa nag-viral ay nakaagaw-pansin at na-feature din sa buong mundo. (ME)

Leave A Reply

Your email address will not be published.