Una sa Balita

Obra Maestra sinisiguro sa 1st Leg Triple Crown

0 311

By Elech Dawa

KAHAPON ay nagdeklara ng pagsali ang mga horse­owner at trainer sa magaganap na 1st Leg ng Triple Crown Championship sa Mayo 26 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Kaya anong oras ay ilalabas na ng Philippine Racing Commission ang listahan ng mga kaba­yong sasali sa presitihiyosong event para sa mga batang pangkarera sa Pilipinas.

Inaasahan ng mga karerista na kasali ang maugong na si Obra Maes­tra dahil sa Facebook page pa lang ay nagdasaan na ang mga komento tungkol sa sino’ng mga lalaban sa first leg ng TCC.

May nagsabing si Sheltex Magic ay sasabak ang iba naman ay si Real Gold.
“Hindi na namin mahintay kung sino-sino ang mga kasali pero ako sigurado kasali si Obra Maestra diyan,” pahayag ni Mang Lucas na matagal nang nangangarera.

Nagkampeon si Obra Maestra sa Juvenile Championship nakaraang taon at dahil sa mga ipinakitang performance sa nakaraang mga takbo ay mauugong na masisikwat nito ang first leg.

Tumakbo nakaraang buwan si Obra Maestra sa pista ng San Lazaro, nanaig ito sa Three-Year-Old Group Race (6).

Nirendahan siya ni dating Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessie Guce.

Nakalaan ang guaranteed prize na P3M, ibubulsa ng magkakampeon ang P1.8M, makokopo ng pangalawa ang P675,000 habang P375,000 at P150,000 ang iuuwi ng third at fourth placers ayon sa pagkakasunod.

Tatanggap din P100,000 ang breeder ng winning horse sa event na may distansiyang 1,600 meters.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy