Una sa Balita

Obra Maestra balik ang tikas

0 321

BUMALIK ang husay ni Obra Mestra sa pista matapos magtala ng pahirapang panalo sa kanyang huling laban.

Napahirapan si Obra Mestra sa naganap na 2019 PHILRACOM “Three-Year-Old Local Championship Race” sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite pero nagawa pa rin niyang manalo.

Umarangkada agad sa largahan si Obra Mestra para sungaban ang bandera subalit bago dumating ng backstretch ay kinapitan agad siya ni Patong Patong at naagaw ang unahan.

Hindi naman nagpaiwan si Obra Maestra na sinakyan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie Guce, sinabayan nito ang tulin ni Patong Patong na nirendahan naman ni class B rider Jericho Serrano.

Balak kumawala ni Patong Patong subalit hindi pumayag si Guce, binawi nila ang unahan papasok ng home turn.

Nakaramdam ng pagod si Patong Patong at dahil sa hingal na hingal sa kahahabol kay Obra Maestra ay naabutan siya ni Real Gold pero hindi na rin nakalapit sa winning horse.

Nakamit ni LM Javier, may ari ni Obra Mestra, ang P900,000 na premyo mula sa Philippine Racing Commission (PHILRACOM) habang nakopo ng C & H Enterprises ang premyo ni Real Gold na P337,50, terserong dumating sa meta si Weather Lang na nag-uwi ng P137, 500. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy