Una sa Balita

Oblea, NU sinakmal ang Ateneo; kampeon sa men’s lawn tennis

0 163

NASAKMAL ng National University ang men’s crown pagkaraang hatawin ang 3-1 panalo kontra Ateneo de Manila University sa UAAP Season 81 lawn tennis tournament Sabado, Abril 13 sa Colegio de San Agustin courts sa San Jose del Monte City.

Kumamada sina netters Jeric Accion at Justine Prulla ng 6-3, 6-1 panalo laban kina Julian Dayrit at Bong Gonzales para panalo ng Bulldogs sa second doubles.

Sinikwat ng Buistillos-based squad ang panalo sa best-of-three series, 2-1, upang pahabain ang pamamayagpag sa fifth crown overall sa walong eskwelahan lang na liga.

Kiumpleto ng NU ang Golden Double nang mag reyna ang Lady Bulldogs sa women’s division.Wagi si tournament MVP Wilson Oblea kay Gab Tiamson 7-6, 3-6, 7-6 (7) sa opening singles, habang sina Rookie of the Year winner Rucel Cero at AJ Alejandre nanalo laban kina Luke Flores at Erj Gatdula, 2-6, 7-6, 7-6 (8) sa first doubles para sa NU. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy