Una sa Balita

Obiena, Tsukii tinulungan ng Ajico

0 352

NAG-IISA lang ang Ajinomoto Co, Inc. (AJICO)­ sa food company na nagsilbing Pla­tinum Sponsor sa makasaysayang 30th Southeast Asian Games Philippine 2019 sa bansa nitong Nobyembre 30-Disyembre 11.

Ito’y naging miles­tone naman para sa Ajinomoto Philippines Corporation (APC) na mga nakasangga ng atletang Pinoy na mga nagkamit ng medal­yang ginto gaya nina karateka Junna Tsukii at pole vaulter Ernest John Obiena.

Hatid ng Ajinomoto na magbigay ng advancement sa pagkain at kalusugan upang mapalawak pa ang magandang panga­ngatawan lalo na sa mga atletang sumasabak pa sa kanilang larangan.

Taglay ng Ajinomoto ang ‘winning meals’ upang suportahan ang mga elite athlete tungo sa magandang performance upang makamit ang panalo.

Bumuo rin sila ng Victory Project mula sa Japan upang maipakita ang magandang naidu­dulot ng Ajinomoto sa kanilang nutritional guidance at amino acid na nagbibigay ng kondis­yon sa mga top-level Japanese athlete.

Kaya naman asam nila na magbigay rin ng malaking kontribusyon sa mga atletang Pinoy upang mapalawak pa ang pagbibigay halaga pagdating sa mga pagkaing hinahain sa mga atleta para mapaganda ang kanilang kalusugan. (AE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More