Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Obiena tatanggap ng P1.5M sa PSC

0 65

NAKATAKDANG makamit ni Ernest John ‘EJ’ Obiena mula sa Republic Act 10699 at Philippine Sports Commission ang P1.5 milyon sa pagtatala ng bagong Asian at Philippine record sa outdoor pole vault event ng athletics.

Nagawang tabunan ng 25-anyos na si Obiena ang halos dalawang dekadang Asian pati na rin ang bago lamang nito katatala na national record sa pole vault sa nakaraang 2021 Golden Roof Challenge sa Inssbruck, Austria upang ito ay magarantiyahan ng insentibo na P1.5 milyon.

Nagdesisyon ang PSC Executive Board sa pangunguna ni Chairman William ‘Butch’ Ramriez sa nakaraang board meeting na bigyan ng reward si Obiena sa sandaling makuha ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang kumpirmasyon ng bagong record mula sa namamahala sa buong mundo na World at Asian Athletics Federations na maglalagay kay Obiena bilang bagong record holder at tabunan ang 23-taong Asian mark.

Related Posts

Matatandaang nalampasan ni Obiena ang 5.93 metro sa Inssbruck, Austria upang itala ang kambal na karangalan na tumabon sa kanyang national record na 5.91m na itinala din nito nakaraang buwan sa Paris Diamond League.

Kasunod nito ang bagong personal at pagtabon sa Asian record na 5.92 metro na itinala ni Igor Potapovich mula sa Kazakhstan noong Pebrero 19, 1998 World Indoor Championships sa Paris, France.

Una nang ipinagkalooban ng PSC ang P250,000 na insentibo kay Obiena sa pagbura sa national record. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.