Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Obiena pokus sa Diamond League

0 70

PILIT isusustena ni Tokyo Olympics qualifier Ernest John “EJ” Obiena ang kanyang paghahanda para sa asam na kasaysayan para sa Pilipinas sa pagsabak nito sa Diamond League ngayong araw sa Golden Gala sa Rome, Italy.

Bahagyang isinaisantabi ni Obiena ang inaasam ng marami na madagdagan pa nito ang napagwagiang medalya na umabot na sa anim sa pitong sinalihang laban dahil na rin sa pagnanais ng coach nito na si Vitaly Petrov na dapat ito na maging consistent.

Ikalawa lamang na pagkakataon na sasabak si EJ sa prestihiyosong Diamond League mgayong taon kung saan huli itong nagwagi ng tansong medalya sa Monaco Leg noong Agosto 29. (Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.