Una sa Balita

Obiena No. 10 na sa buong mundo

0 239

UNTI-UNTING naaabot ng pinakaunang 2020 Tokyo Olympic qualifier ng bansa na si Ernest John Ernest Obiena ang kanyang mga karibal sa buong mundo matapos itong umakyat sa pagiging World No. 10 sa pinakahuling ranking na inilabas ng International Association of Athletics Federation (IAAF).

Inaasahan na mas aangat pa ang ranking ng 23-anyos na si Obiena sa nalalapit nitong pagsabak sa ika-17 edisyon ng IAAF World Athletics Championships 2019 na isasagawa sa darating na Setyembre 27 hanggang Oktubre 6 sa bagong gawang multi-purpose Khalifa International Stadium sa Doha, Qatar.

Una nang nasungkit ni Obiena ang automatic Olympic berth sa 2020 Tokyo Summer Games sa men’s pole vault.

Itinala ng 6-foot-1 na pole vaulter ang personal best at bagong Philippine record na 5.81 metro sa Salto Con L’asta Maschile sa Chiara, Italy upang lampasan ang Olympic Qualifying Standard na 5.80 metro tungo sa pagsiguro sa kanyang silya sa susunod na taong quadrennial sportsfest.

Ang naabot na sukat ni Obiena ay nagtabla dito sa ika-10th puwesto sa IAAF World ranking kasalo naman si Kurtis Marschall ng Australia na nag-5.81 na nitong Pebrero 2 para mag-qualify na rin. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy