Una sa Balita

Obiena namumuro sa SEA Games gold

0 363

Isang gintong medalya ang posibleng maiuwi ni Ernest John Obiena sa nalalapit na pagho-host ng Pilipinas sa ika-30 ­edisyon ng Southeast Asian Games kung mapapanatili nito ang kanyang nagawang paglampas sa taas at sukat ng nagwagi sa huling edisyon ng kada dalawang taong torneo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Itinala ng engineering­ student sa University of Santo Tomas ang pag­lampas sa 5.36 metro sa katatapos lamang na Ayala Philippine Athletics­ Championships sa Ilagan, Isabela upang mapanatili ang kanyang silya sa pambansang koponan na isasabak sa ikaapat na pagho-host ng Pilipinas sa SEA Games simula Nobyembre 30.

Ang 5.36 metro na natalon ni Obiena ay mas mataas ng isang pulgada sa kasalukuyang­ SEA Games record at nagbigay ng gintong medalya kay Porranot Purahong ng Thailand na 5.35 metro na naitala noong Agosto 24, 2017 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy