Una sa Balita

Obiena kumatok sa Olympics

0 353

ITINALA ni Ernest John “EJ” Obiena ang personal at bagong kasaysayan sa Pilipinas matapos nitong burahin ang isa sa record sa ginaganap na 2019 Asian Athletics Championships sa pagwawagi nito ng gintong medalya sa Pole Vault event Linggo ng gabi sa Khalifa Stadium sa Doha, Qatar.

Hindi lamang itinala ni Obiena ang bagong Asian record kundi nagawa din nito tabunan ang sariling National record sa pagsungkit sa unang gintong medalya ng 14-kataong delegasyon ng Pilipinas na kalahok sa internasyonal na torneo bilang paghahanda sa 30th Southeast Asian Games.

Sinabi ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico na malaki ang tsansa ni Obiena na agad makapagkuwalipika sa 2020 Tokyo Olympics kung makakasama ang kanyang nalundag sa kailangang bilang ng mga kalahok para sa nasabing event.

“We will be clarifying on that kasi kailangan pa tayong­ maghintay na matapos ang lahat ng mga qualifying event,” sabi ni Juico.

Una muna tinalon ng 23-anyos na si Obiena ang 5.56 at 5.61 metro bago ni­lampasan ang 5.66 metro tangkain na malampasan ang kasalukuyang record ng torneo.

Hindi naman ito nagkamali sa kanyang desisyon matapos na agad lampasan sa unang pagtatangka lamang ang taas na 5.71 metro para sa bagong meet standard at pagtatala din sa bagong Philippine pole vault record. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy