Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Obiena, Juico kita-kits sa PH Championships

0 124

SASABAK ang mga national athlete na inaasahang pangungunahan ni 2020+1Tokyo Olympian pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena sa nausog na Ayala Philippine Athletics Championships 2021 sa Disyembre 16 at 17 sa Baguio City.

Nagdesisyon ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) board sa pangunguna ni president Philip Ella ‘Popoy’ Juico na iurong ng isang linggo ang dalawang beses nang nakanselang taunang paligsahan na unang itinakda sa Dis. 9-10 sa Philsports Complex sa Pasig.

“Ongoing preparations for the Ayala Philippine Athletics Championships (APAC), Dec 16 and 17, Baguio. Thank God sports events are back!” post Miyerkoles ni Baguio City Sports Coordinator Gaudencio ‘Gudz’ Jimenez.

Puwersado ang lahat ng mga atleta na lumahok sa torneo maliban kay Obiena na patuloy na may hidwaan sa PATAFA dahil sa pag-imbestiga sa kanya sa liquidation report niya ng mga pondong mula sa asosasyon at Philippine Sports Commission.

Ang dalawang araw na trackfest ang magsisilbing tryouts para sa bubuo sa national team sa 31st Southeast Asian Games 2022 sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12-23.

Kasalukuyang nasa bubble training ang 36 national athletes ng Patafa sa Baguio Athletic Bowl. Malamang umabot sa 300 atleta ang lalahok sa 19 event kung saan diretso agad sa finals ang mga kalahok dahil wala ng heat.

Ang top three o top two finishers sa bawat event ang papasok sa national training team. Kabuuang 47 gold medals ang nakataya sa athletics event ng Vietnam SEA Games. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.