Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Obiena haharabas sa Copernicus Cup

0 77

NAKATAKDANG sumalang si 2021 Olympic Games-bound pole vaulter Ernest John Obiena sa Copernicus Cup ngayong araw sa Torun, Poland.

Kaya naman target ulit ni 6-foot-2 Obiena ang lundagin ang inaasam na gold medal.

Kalalahok lang ni 25-year-old Obiena sa Orlen Cup Lodz sa Atlas Arena kung saan siya nagrehistro ng bagong personal best na 5.86 metro para sungkitin ang silver medal.

Naitala rin ni Obiena ang bagong Philippine indoor pole vault record nang burahin ang sariling national mark na 5.80m sa nakaraang ISTAF Berlin meet sa Germany.

“Gumanda iyong kanyang kumpiyansa sa larong ito,” ani national head coach at amang si Emerson Obiena.

Puntirya ni 2019 SEA Games gold medalist Obiena ang humablot ng gold medal sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Maliban kay Obiena, ang ibang may ticket na sa nasabing quadrennial meet ay sina boxer Irish Magno at Eumir Felix Marcial at gymnast Carlos Edriel Yulo. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.