Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Obiena garantisado sa insentibo – Angara

0 15

INAASAHANG makakatanggap muli ng insentibo si 2020 Tokyo Olympian Ernest John “EJ” Obiena base sa umiiral na Republic Act 10699 o Athletes and Coaches Incentvie Act dahil sa patuloy nitong pagtatala ng mga panibagong national at international record sa disiplina nito na pole vault.

Sinabi ni Senador Sonny Angara na ginagarantiyahan ng batas ang anumang pagbibigay dangal at prestihiyo sa bansa ng mga atleta na nagagawang magtala ng kanilang pinakamuhusay na record gayundin sa pagbura ng mga lokal o pambansa pati na sa mga internasyunal na labanan.

“Congrats EJ! Bilang record-breaker, eligible siyang muling makatanggap ng cash incentive sa ilalim ng RA 10699 o National Athletes and Coach Incentive and Benefits Act. Mabuhay ang atletang Pinoy!,” sabi ni Angara sa kanyang pagbati sa pagpost sa FB social media account.

Katatapos lamang ni Obiena magtala ng bagong personal best at tinabunan din ang 23-taong Asian record sa isinagawa nitong pagtatala ng 5.93 metro tungo sa pagwawagi ng gintong medalya sa 2021 Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria noong Linggo.

Una nang ginawaran ng Philippine Sports Commission (PSC) ng P250,000 insentibo si Obiena sa pagtatala sa huling personal at national record na 5.91 meters na naitala niya sa Paris Diamond League noong isang buwan.

Inirehistro muli ni Obiena ang bagong record sa kanyang 5.93 metrong talon upang mahigitan ang previous best na 5.92 meters na hawak ni Igor Potapovich ng Kazakhstan buhat pa noong 1998. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.