Una sa Balita

Obama nabahala sa pahayag ni Trump

By ,
0 4

Nagbabala si US President Barack Obama na mapanganib ang mga pahayag ni Republican presidential candidate Donald Trump na hindi nito kikilalanin at irerespeto ang resulta ng eleksyon sa Nobyembre kung hindi ito ang manalo.

Sa ulat, sinabi ni Obama na ang pagbabalewala ito sa demokrasya ng Amerika.

Aniya, ang pagtanim aniya ni Trump ng pagdududa sa isip ng American voters ay pabor sa mga kaaway ng Estados Unidos.

“You’re doing the work of our adversaries for them, because our democracy depends on people knowing that their vote matters,” ani Obama.

Sa pahayag ni Trump, mismong ang mga kasamahan nito sa Republican Party ay binatikos ang kanilang standard bearer.

Maging si US First Lady Michelle Obama ay nakiisa sa pagkondena kay Trump kung saan hindi dapat idaan sa “suspense” ang demokrasya sa bansa.

Sa pagtatapos ng kanilang ikatlo at huling presidential debate ay sinabi ng pambato ng Republican Party na malinaw ang plano ng pamahalaan ng Amerika na dayain ang halalan pabor sa kandidato ng Democrats na si Hillary Clinton.