Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

OB at Pediatric Wards ng San Juan Medical Center, isinara

0 183

Pansamantalang isinara ang OB at Pediatric Wards ng San Juan Medical Center (SJMC) nang magpositibo sa COVID-19 ang dalawang frontliner nitong Miyerkules.

Base sa inilabas na statement ni San Juan Medical Center Medical Director Ret. Gen. Dr. Joseph Acosta, ipinasara muna niya ang ang mga nasabing wards makaraang magpositibo sa COVID-19 ang isang doktor at nurse, nang mahawa kahit may ‘personal protective equipment’ (PPE) matapos ma-expose sa isang COVID-19 patient na kinailangang isailalim sa emergency medical procedure.

“Both mother and baby are safe while the two medical personnel are asymptomatic. All close contacts of the patients and the medical personnel were already swabbed and quarantined,” ayon kay Dr. Acosta.

Tinatayang sa July 11 muling bubuksan ang wards matapos ang ‘disinfection’ at paglabas ng resulta ng mga swab test.

Leave A Reply

Your email address will not be published.