Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘OA dyowa kay champ’: Blythe napaos, naiyak sa kilig kay Ricci  

0 175

May hatid na suwerte raw si Andrea Brillantes kay Ricci Rivero, ha!

Imagine, sa tinagal-tagal maglaro ni Ricci sa University of the Philippines bilang basketbolista, ngayon lang nila nakuha ang kampeonato.

Siyempre, iba rin naman ang dedikasyon ng UP Fighting Maroons ngayon, na desidido talaga silang iuwi, ibalik ang korona sa Diliman Quezon City. At `yun nga ang nagawa nila.

Pero dahil sa kainigan ng liga ng UAAP at sa mismong ‘game’ ginawa ang panliligaw kiyeme-kiyeme ni Ricci kay Andrea, na ‘can you be my girlfriend’ chuva, kaya nabigyan ng kahit konting kredito si Andrea sa pagiging champion nina Ricci.

At `yun nga ang mababasa sa Instagram post ni Andrea, na may hatid na suwerte, o lucky charm nga raw ni Ricci si Andrea.

Eh, di ba si Adrea, dokumentado talaga ang mga panonood niya ng laro ni Ricci, ha! Ang dami ngang naging interesadong manood ng laro ng UP dahil sa mga paandar ni Andrea.

“Congrats champ!” chika ni Andrea sa photo nila ni Ricci.

“Teka lang kinilig ako!” sabi naman ni Ricci.

Na eksakto ngang naramdaman din ng mga fan nila, na kinilig talaga sila sa dalawa.

OMG, the moment we’ve been waiting for! Super supportive dyowa ni Blythe. What’s next?

Pero siyempre, may na-OA-yan din kay Andrea, na paiyak-iyak pa raw noong mag-champion ang UP.

Anyway, umabot na sa 300,000 ang nag-like sa photo, video na pinost ni Andrea tungkol sa kanila ni Ricci.

Tita Cory ‘binuhay’ ni Janice

Binalikan ni Janice de Belen ang sulat na pinadala sa kanya ni former President Cory Aquino. May hashtag siyang #galingsabaul.

“I saw this in one of my drawers as I was cleaning. I feel honored to be one of the people she wrote a card for,” sabi ni Janine, na tinag din si Kris Aquino.

Sabi nga ng mga netizen, ang suwerte ni Janice na may maganda siyang memory ni Tita Cory. Na treasure nga raw ang liham na `yon, at kailangang itago lang niya `yon.

Anyway, ang liham ni Tita Cory kay Kris ay selyado nga ng Malacanang o ng pagiging presidente ni Tita Cory.

At heto nga ang laman ng liham:

“Dear Janice,

“Let me wish you much happiness on your birthday and throughout the year. I still remember how very kind you were to sing with Kris and Lea for the Asian Ministers.

“God bless you and your loved ones!

“Affectionately, Tita Cory.”

Dahil sa sulat na `yon ni Tita Cory kay Janice, parang bigla ngang nabuhay ang imahen ng mommy ni Kris. Sabi nga, parang nabuhay raw sa pandinig nila ang boses na mahinahon ni Tita Cory.

May mga nagpayo kay Janice na ipa-frame ang letter na ‘yon ni Tita Cory. Aba, hindi lahat ng artista, o nilalang sa Pilipinas ay nasulatan ng isang mabait na pangulo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.