Una sa Balita

Nzeusseu, Marcelino naisahan ang Blazers

0 137

Mga laro sa Martes:

(FilOil Flying V Centre)

12:00nn — San Beda vs SSC

2:00pm — CSB vs Letran

4:00pm – Arellano vs Mapua

PINATIBAY nina Mike Nzeusseu at Jaycee Marcelino ang pagkapit ng Lyceum of the Philiipines Pirates sa second spot sa 95th NCAA men’s basketball tournament.

Kumayod sa opensa at depensa sina Nzeusseu at Marcelino upang akbayan ang last year runner-up LPU sa 85-83 panalo kontra College of Saint Benilde Blazers kahapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Nagtala si Marcelino ng 22 markers habang 14 puntos at 10 rebounds ang kinana ni Nzeusseu upang sikwatin ang three-game winning streak para sa LPU at ilista ang 9-3 karta.

Sa first game, tambalan sina Noah Lugo at Warren Bonifacio upang angklahan ang Mapua Cardinals sa pangalawang sunod na panalo matapos pasukuin ang Emilio Aguinaldo College Generals, 79-76.

Nakatuwang nina Ligo at Bonifacio sina Laurenz Victoria at Cyril Gonzales sa fourth period upang maging matatag ang Cardinals sa endgame at masilo ang pang-limang panalo sa 11 laro.

Sa third game kagabi, pinutol ng Colegio de San Juan de Letran ang apat na sunod na panalo ng San Sebastian Stags, 99-82.

Tumapos ng tig-15 puntos sina Larry Muyang at Edson Batiller habang tig-12 points naman para kina Fran Yu at Jerrick Balanza upang iangat ang koponan sa No. 3 spots hawak ang 8-4 panalo-talo kartada. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy