Una sa Balita

NYC chair sopla sa pagtabla sa mga militanteng iskolar

By
0 330

MALAMIG ang Malacañang sa mungkahi ni National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema na tanggalan ng scholarship ang mga estudyanteng sumasama sa mga rally laban sa pamahalaan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kung suspetsa lamang ang magiging batayan para tanggalan ng scholarship ang isang estudyante ay hindi aniya ito tama.

“Kung sinususpetsahan lang hindi naman pupuwede ‘yon. kailangan meron tayong ebidensiya na parte nga sila ng grrupo na laban sa gobyerno. Kung sila ay sumasama lang sa rally, that’s freedom of expression and freedom of assembly,” ani Panelo.

Nanggigil din ang ilang militanteng kongresista kay Cardema at iginiit na ito ang dapat na lumayas.

Kahiya-hiya ani Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate si Cardema sa kanyang inasal habang iginiit ni Kabataan Rep. Sarah Elago na ang edukasyon ay isang karapatan katupad ng pagprotesta.

Nauna rito ay iminungkahi ni Cardema na alisin ang scholarship ng mga estudyanteng sumasama sa mga kilos protesta ng mga grupong kontra sa pamahalaan dahil pera ng gobyerno ang ginagastos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy