Una sa Balita

NYC blackout: JLo dismayado, wasak ang puso sa kanseladong concert

0 309

HOLLYWOOD

Naapektuhan ng massive power outage sa New York City ang concert ni Jennifer Lopez sa Madison Square Garden noong nakaraang Sabado, July 13.

Kakasimula pa lang ng concert ni JLo nang biglang mag-blackout sa NYC at kinailangan na palabasin ang big crowd for safety precautions.

May ilang mga fan na ayaw umalis at hinihintay nilang bumalik ang power, pero si JLo na rin ang nakiusap sa mga fans, via social media, na they need to evacuate para walang masaktan.

Pinost ni JLo ang isang live video via Instagram para ipakita ang situation sa Madison Square Garden. Maririnig sa background ang pag-instruct sa mga tao na maayos nang lumabas ng venue.

“The power is out in NYC and at MSG. Heartbroken to say tonight’s show is cancelled. We will resche-dule. Love you all!!! Stay safe!
“We had just started our show. They’re asking everybody to evacuate, very slowly and calmly, and obviously that’s what were going to have to do.

“Devastated and heartbroken that I can’t perform for all of you tonight. We will make this up to you, I promise! I love you!!” sey pa ni JLo.
Nag-post ng tweet ang Madison Square Garden confirming the cancellations and the rescheduling of JLo’s concert.

Due to power outage issues in parts of Manhattan, which included Madison Square Garden, tonight’s Jennifer Lopez show was forced to end early. We will follow up with tickets buyers to tonight’s show with more information as soon as we have it.”

Nag-ugat daw ang blackout sa NYC dahil sa isang transformer that was caught on fire. Mula sa west side of Manhattan, nalagay sa dilim ang higit na 73,000 people. Na-restore na ang power sa ibang lugar.

Nataon pa na nagkaroon ng blackout on the anniversary ng 1977 New York blackout na ikinapraning ng buong city. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy