Una sa Balita

NY, London police tutok sa manyak na Hollywood producer

By
0 135

Naglunsad ng imbestigasyon ang pulisya ng New York at Britain laban sa Hollywood producer na umano’y nanggahasa at nangmolestiya ng mga kababaihan na sikat na artista na ngayon.

Kinumpirma ng New York Police Department na iniimbestigahan na nila ang reklamo laban sa produce­r na si Harvey Weinstein kaugnay ng pangyayari noong 2004.

Ayon sa New York Daily News, ang kaso ay mula sa reklamo ng aspiring actress Lucia Evans na nagbahagi ng kanyang karanasan sa New Yorker ­magazine na pinilit siya ni Weinstein sa oral sex.

Naglabas din ng statement ang Scotland Yard na ang Metropolitan Police ay nag-iimbestiga na rin sa ­reklamo ng sexual assault ng isang aktres na ayon sa Dail­y ­Telegraph ay naninirahan ngayon sa lugar ng Liver­pool.

Ngunit nitong Huwebes, matapang na inamin ng American actress Rose McGowan na ginahasa siya ni Weinstein.

Sa serye ng tweet na patama nito kay Amazon CEO Jeff Bezos, dati na umano niyang sinabihan si Amazon Studios chief Roy Price na ginahasa siya ni Weinstein subalit dinedma lamang siya.

“Over & over I said it. He said it hadn’t been proven. I said I was the proof,” tweet ni McGowan.

Si McGowan ang ika-apat na nag-akusa na ginahasa sila ni Weinstein habang ang iba ay minolestiya naman.

Ilan sa mga sikat na artistang nabiktima umano ng Hollywood mogul ay sina Angelina Jolie, Gwyneth Paltrow, Mira Sorvino, Kate Beckinsale at actor/singer Ashley Judd. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy