Una sa Balita

NY Knicks wasak sa triple-double ni LeBron

0 2

NEW YORK (AP) — Bumutas si LeBron James ng 27 points, 11 rebounds at 10 assists para sa kanyang third triple-double sa 2015-16 o 70th NBA season, umasiste si Kevin Love ng 28 points at 12 rebounds, at nilaslas ng Cleveland Cavaliers ang New York Knicks, 107-93, sa eliminations kahapon (Manila time).

Pahinga man si Kyrie Irving, naging madali pa rin para sa Cavaliers ang pagtayo buhat sa pagkasalampak sa Brooklyn noong Huwebes, nginudngod ang Knicks sa first half at umarangkada na ito na 10 na lang ang bentahe sa fourth quarter.

Pumitpit si J.R. Smith ng 13 points sa Cavs’ sixth straight victory kontra Knicks.

Umiskor si Carmelo Anthony  ng 28 points tapos ng brutal start para sa Knicks, na buhat sa home-and-home sweep sa Chicago. Naka-19 si Kristaps Porzingis.

Tinatak ni James ang 42nd career triple-double at lumapit sa tatlong puntos na lang para palitan sa 12th place si Dominique Wilkins sa NBA’s sco­ring list.

Pinangalandakan ni James na may kakayahan ang Cavs na makopo ang titulo sa pamamagitan ng dominadong first half. Nasawata nila ang Knicks sa 15 points lang sa first quarter at 17 sa second, kung saan inangklahan nina James at Love ang opensa ng Cleveland pa-24-point lead.

Sinablay ni Anthony ang 10 sa kanyang first 11 shots pero nakabawi sa second half upang makatulong sa Knicks na malampasan ang 84.7 points na average kontra Cleveland sa three meetings. Hindi nga lang matiyak kung maisasara nila para sa rea­listikong manalo.

At ang rally ang nagpainit kay James na naka­kuha ng technical foul sanhi nang panunudy­o kay Lou Amundson makaraan niyang mag-dunk sa Knicks’ forward sa third quarter.