Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NWRB binawasan suplay ng MWSS, NIA

0 108

Babawasan na ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng dalawang cubic meter per second (CMS) habang 5 CMS naman sa National Irrigation Administration (NIA) ngayong Oktubre.

Walang ibinigay na dahilan ang NWRB kung bakit nito babawasan ang alokasyon ng tubig ng MWSS at ng NIA bagamat binanggit ng ahensya na umaasa itong dadami ang tubig sa mga dam dahil sa parating na La Niña na magdadala ng ulan sa bansa mula ngayong buwan hanggang 2021.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa NWRB, 44 cubic meters per second (CMS) na lamang ang alokasyon ng MWSS ngayong buwan at 25 CMS naman sa NIA.

Sabi ng NWRB, hindi dapat mararamdaman ng mga consumer ng MWSS at ng mga magsasaka ang pagbawas sa alokasyon ng tubig dahil mapupunan naman ito ng ibang mapagkukuhanan ng tubig.(Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.