Una sa Balita

Nutriasia panagutin – VP Leni

By ,
0 460

MANANAGOT ang sinumang responsable sa nangyaring karahasan sa ginawang dispersal ng mga awtoridad sa nagprotestang mga manggagawa ng NutriAsia at kanilang mga supporter noong Lunes sa Marilao, Bulacan.

Ayon ito sa kampo ni Vice President Leni Rob­redo sa pamamagitan ng tagapagsalita nitong si Atty. Barry Gutierrez bilang reaksiyon sa nangyaring karahasan sa hanay ng mga empleyado ng NutriAsia na pag-aari ng bilyonar­yong si Joselito Campos.

Giit ng kampo ni VP Leni, hindi maaaring takasan ng mga pulis at private security personnel ang ginawa nitong dispersal sa mga nagprotestang manggagawa na nauwi sa kaguluhan.

“Regardless of any alleged ‘provocation’, it remains the principal duty of our police officers to maintain order, and not to allow an admittedly tense situation to explode into open violence, as it did last Monday,” ayon kay Gutierrez.

Inaasahan umano nila ang isang patas na imbestigasyon ukol sa insidente at ang pana­nagot ng mga responsable sa karahasan.

Kasabay nito ay lumusob kahapon ang mga manggagawa ng NutriAsia sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) para kondenahin ang marahas na dispersal na isinagawa sa kanilang planta as Matildo, Bulacan.

Alas-11:00 nang umaga nang dumagsa­ sa DOLE ang mga manggagawang sinibak sa NutriAsia bitbit ang mga placard.

Bukod sa pagkondena sa madurong protesta ay muling iginiit ng mga manggagawa ang suporta ng publiko para iboykot ang mga produkto ng NutriAsia na kinabibilangan ng Dati Puti, Silver Swan, UFC, Papa catsup at iba pa.

Nanawagan din ang mga nagprotesta na gawing regular ang 80 contractual worker na sinibak.

Hiniling din nila na mabigyan ng hustisya ang mga manggagawang nasugatan sa Marsha’s na dispersal. Matatandaang 19 na miyembro ng militanteng grupo, 8 mula sa NutriAsia, 6 na tagasuporta ang inaresto noong isagawa ang dispersal noong Hulyo 30.

Hiniling din nila kay Labor Secretary Silvestre Bello III na obligahin ang NutriAsia na sundin ang kautusan ng DOLE. ()