Una sa Balita

Nurse yumaman sa food supplement business

0 706

Laki sa hirap si Cathy Salimbangon ng Cebu. Bata pa lang ay napasabak agad sa trabaho tulad ng pagtitinda sa sari-sari store, pag-iihaw at pagbebenta ng mga pantalon.

Nang magka-edad, sinubukang mamasukan bilang nursing aide sa Canada at naranasan ang hirap ng pag-aalaga ng mga matatanda.

Sa kabila nito, pinagsabay niya ang pag-aaral para maging ganap na nurse at nang makapagtapos, ito ang naging daan upang maging nursing director siya sa isang ospital sa Estados Unidos.

Sa tagal ng kanyang pagtatrabaho, doon niya nakita ang pagka­kaiba ng mga senior citizen sa Amerika at Canada kung paano sila nagkakaroon ng sakit kaya’t naisip nitong gumawa ng food supplement mula sa acai berry.

Sa tulong ng amo ng kanyang asawa, sini­mulan nila ang paggawa ng acai berry food supplement sa Amerika at sa loob lang ng isang taon ay lumago ito at gumawa na rin sila ng capsules.

Nang ipakilala ni Cathy sa Cebu ang produkto, naging mabenta ito at umabot hanggang sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa.

Dahil sa pag-asenso ni Cathy, nakapagpundar na siya ng sariling bahay at ilang ari-arian para sa kanyang pa­milya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy