Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nurse nagbisikleta, patay sa hit and run

0 300

Nasawi ang isang nurse matapos mabundol ng sasakyan habang nagbibisikleta, Linggo ng gabi sa Padre Burgos sa Maynila.

Nadala sa ospital ang biktimang si Renz Perez pero binawian din ng buhay, ayon sa ulat ng ABS-CBN.

Kuwento ng ama ng biktima na si Ricardo, nagpabili ng bisikleta ang anak para may magamit kapag pumapasok.

SM food to go Banner Ad

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, walang bike lane sa pinangyarihan ng aksidente kaya posibleng hindi umano napansin ng nakabanggang driver ng pick-up si Renz.

Matapos masalpok ng salarin ang biktima ay mabilis na tumakas patungong pier, ayon sa ilang witness.

Nanawagan naman si Ricardo sa driver na nakabundol sa kanyang anak na lumutang at makonsensya.

Nangangalap na ngayon ng mga CCTV footage ang pulisya para matukoy ang sasakyan ng suspek.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.