Una sa Balita

Nurse, ex-barangay kagawad timbog sa drug raid sa Palawan

0 2,241

HULI sa magkahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Puerto Princesa City Police Office (CPO) ang isang nurse ng call center at dating barangay kagawad na sangkot umano sa iligal na droga noong Sabado, Pebrero 10.

Unang naaresto bandang alas-singko ng hapon ang nurse na kinilalang si Edgar Allan Pagayona, 37-taong gulang. Nakuha dito ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu, apat na piraso umano ng pekeng P100 bill, isang motorsiklo at cellphone.

Sunod namang naaresto si Rex Sulayao, dating barangay kagawad ng Brgy. Sicsican na nasamsaman ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu at ilang drug paraphernalia.

Sinabi ni Police Chief Inspector Mark Allen Palacios, hepe ng Station 1 ng Puerto Princesa City Police Office, na magpapatuloy umano ang kanilang mga operasyon kontra sa mga drug personality hangga’t may mga lumalabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.