Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nurse 7 beses nag-board exam, pumasa na

0 115

“Try and try until you succeed,” ang pinatunayan ng isang babae na pitong beses kumuha ng nursing board exam sa loob ng walong taon hanggang sa tuluyang makapasa na siya.

Nagtapos si Ma. Ernida Peralta sa kolehiyo noong 2013.

Nag-viral pa sa social media platform na TikTok ang video ni Peralta kung saan makikita na nakaabang siya at ang kanyang pamilya sa resulta ng board passers noong Hulyo.

Aminado si Ernida na nanaghina na siya at nawalan ng lakas ng loob na tuparin ang pangarap na maging registered nurse, pero sa tulong ng mga kapamilya at kaibigan ay muli siyang sumubok na mag-exam.

Nang lumabas ang resulta, kita sa video ang tuwa ni Peralta, maging ng kanyang mga kamag-anak. Nagtatalon sila at nagsisigaw dahil isa na siyang registered nurse.

“Kung nasa puso po talaga natin ‘yung eagerness na makuha ‘yung isang bagay, ‘wag nating sukuan. Kung madapa tayo, bangon lang ulit. Okay lang umiyak. Okay lang ma-disappoint pero ‘wag susuko,” banggit ng nurse sa isang ulat. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.