Una sa Balita

Nunag umangal sa tawag ng ref

0 257

MATINDI ang hampasan ng bola sa Game 1 ng best-of-three finals ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Confe­rence nitong Miyerkoles sa pagitan ng reigning champions Creamline Cool Smashers at PetroGazz Angels.

Wagi via 4 sets ang Creamline 24-26, 25-16, 25-16, 25-22 sa pangu­nguna ni Thai import Kuttika Kaewpin.

Ngunit sa match point ng laban 24-22, hindi naging malinaw para sa panig ng PetroGazz ang last call na hinatol ni referee Yul Benosa.

Overreaching ang tawag ng referee kay middle blocker Cherry Nunag kaya’t napunta sa Creamline ang huling puntos.

“Hindi overreach kasi hindi rin talaga tumama sa akin ‘yung bola,” depensa ni Nunag.

“Kasi kung tumama sa akin dapat nag-iba ‘yung direksiyon ng bola saka hindi naman setter ‘yung humabol so hindi ‘yun overreach kasi hindi naman ise-set eh.”

Ipinunto rin ni Nu­nag na dapat ipinito agad ang tawag sa kanya at hindi na pinahaba pa ang rally ng laban.

“Basta hindi siya katangga-tanggap kasi sayang, point na namin tapos biglang may call na ganun tapos parang ang tagal pumito ng refe­ree tapos inaward sa kanila,” saad pa nito.

Muling magtatapat para sa Game 2, Sabado, ang dalawang koponan at target pang pahabain ng PetroGazz ang serye. (Janiel Abby ­Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy