Una sa Balita

Numero 5 ni Garnett isasabit ng Celtics

0 342

SA first timeout ng 141-133 double-overtime win ng Boston kontra Clippers nitong Miyerkoles, iniha­yag ng Celtics na ire-retiro na ang No. 5 ni Kevin Garnett.

Target ng team ang retirement sa 2020-21 (75th) season.

Isasabit ito sa bakanteng ­espasyo sa tabi ng No. 34 ni Paul Pierce.

Nagsabwatan sina Garnett at Pierce para ihatid sa NBA title ang Celtics noong 2008 – pinakahuli sa 17 championship banner ng Boston.

Ni-retire ng Celtics ang jersey ni Pierce noong 2018.

Nasa unang taon ng kanyang eligibility para masama sa Naismith Basketball Hall of Fame si Garnett.

Patok siyang mapabilang sa listahan ng mga finalist na babalatan sa 69th NBA All-Star Weekend 2020 sa Chicago nga­yong Feb. 14-16. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More