Una sa Balita

Number 2 rumaket ng 6M

By
0 863

Sino daw itong mister­yosong babae ang rumaket sa Japan at kumita ng halos anim na milyong piso?

Ang misteryosong babae, ayon sa nasagap na tsismis ni Mang Teban, ay sinasabing number 2 ng isang mataas na opisyal ng gobyerno.

Naglunsad daw ng fund raising event itong si jowabelle at sa maniwala kayo at sa hindi ay nakalikom siya ng higit sa anim na milyong piso.

Abante Hiring – IT dep

Ano ang naging sikreto niya? Aba’y ginamit niya kasi ang imahen ng isa sa karelasyon ng P­angulo ng bansa.
Ang tanong eh saan naman kaya napunta ang perang nalikom ng jowa ni government official?

Hindi man lang daw sinaway ni government o­fficial ang gimik ng kanyang jowabelle, m­arahil ay nabola siya nito tutal ay mahilig naman s­iyang magpabola.

Pintahan niyo na. Ang government official na may kabit na rumaket sa Japan ay nagtatrabaho sa isang government owned and controlled corporation at isa sa malaking magbigay ng revenue sa gobyerno.