Una sa Balita

NUJP kay PDU30: Ikaw ang bastos!

By
0 15

Umalma ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa naging tirada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang media outfit nitong Huwebes.

Binanggit sa isang statement ng NUJP na ang “incoherent and foulmouthed rant” ni Duterte laban sa isang pahayagan at isang TV network ay hindi lang “uncalled for but was also absolutely twisted.”

Sa ginawa ng Pangulo na isinaere sa telebisyon at radyo sa buong kapuluan, lumalabas na hindi ang Inquirer at ABS-CBN ang bastos kundi si Pa­ngulong Duterte.

“Mawalang-galang subalit napakalinaw na kayo po, at hindi sila, ang bastos,” ayon sa NUJP. “It was a brazen abuse of your immense power as chief executive of this land and only shows how little, if any, appreciation you have of democracy and governance.”

“It is a mindset of the petty tyrant who mista­kenly believes public office is an entitlement that allows you to flaunt the laws of the land that both grant you power and ensure the checks that prevent you from abusing that power,” dagdag pa ng grupo.

Hindi na rin aniya umaasa ang NUJP na hihingi ng paumanhin si Duterte. Pero hindi rin umano mapipigilan ng pagmumura at maanghang na salita ang mga mamamahayag na gawin ang kanilang trabaho.

Si Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan, tahasang nagsabi na maling-mali ang Pangulo kung ina­akala nito na mananalo siya sa media.

“Marami na ang pa­ngulo ng bansa ang naki­paggirian sa media. Wala na ang mga ito sa Malacañang ngunit nariyan pa rin ang media… Ang ating demokrasya at kalayaan ay mas higit na tumitibay kapag nariyan ang mala­yang pamamahayag,” ani Pangilinan.

Kinampihan din ni Sen. Antonio Trillanes IV ang media sa pagsasabing iniuulat lamang nito ang totoong nangyayari para impormahan ang tao at kung mayroon man umanong nagsisinunga­ling, ito ay dili iba’t si Pangulong Duterte.