Una sa Balita

Nueva Ecija mayor sinuspende ng Ombudsman

0 1,318

Tatlong buwang suspensiyon ang iginawad ng Ombudsman kay Lupao, Nueva Ecija Mayor Alex Rommel Romano dahil sa pagpasok sa kontrata sa Metro Clark Waste Management Corp. (MCWMC) nang walang kaukulang resolusyon ng Sangguniang Bayan (SB).

Sa 7-pahinang desisyon na inaprubahan ni Ombudsman Samue­l Martires, sinabi na na may sapat na ebidensiya kontra kay Romano para sa kasong administratibo o ‘simple misconduct’ na may katapat na parusang ‘3-month suspension without pay’.

Batay sa OMB-L-A-17-0715 case na inihain ni Lupao incumbent Vice Mayor Robert Ganayo, labag sa batas ang pinasukang memorandum of agreement (MOA) ni Romano sa MCWMC noong Pebrero 1, 2017 dahil walang SB resolution.

Pinayagan pa ni Romano na magbayad ng P24,960 sa MCWMC sa paghahakot umano ng basura ng bayan.

Lumitaw pa umanong walang angkop na ‘bidding’ sa kontratang pinasukan ni Romano.

Nabatid na may na­kabinbin pang malversation cases at paglabag sa Republic Act 3019 o ‘Anti-Graft and Corrupt Practices Act’ na kinakaharap si Romano sa Ombudsman. (Jojo de Guzman)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More