Una sa Balita

Nueva Ecija mayor na-fake news?

By
0 723

ATUBILI ang mga kawani at residente sa Sto. Domingo, Nueva Ecija sa usapin kung nagkaroon nga ba ng ‘reversal decision’ ang Office of the Ombudsman sa pagkaka-dismiss ni elected Mayor Imee Llado-de Guzman.

Si de Guzman ay natanggal sa puwesto noong Hunyo 19, 2018 makaraang ireklamo ni Vice Mayor Greg Andres ng grave misconduct at illegal gambling nang pahintulutan ang perya na may ‘drop ball’ sa compound ng munisip­yo na walang Sangguniang Bayan resolution.

Nang masibak ay umupong alkalde si Andres at naghain naman ng kaukulang ‘motion for reconsideration’ si de Guzman.

Nitong Enero 31 ay may ‘reversal decision’ umano si Ombudsman Samuel Martires kaya’t napabalita na babalik na sa puwesto si de Guzman.

Agad namang nagberipika si Andres sa Ombudsman at nagulat nang malamang ‘pen­ding MR’ pa rin ang status ng kaso, kaya’t tinaguriang ‘fake news’ ang sinasabing ‘reversal decision.’
Mula Enero 31 nang gabi ay sa munisipyo na natutulog ang mga ta­gasuporta ng kampo ni Andres.

Iginiit naman ng kampo ni de Guzman na tunay ang nakuha nilang desisyon ng Ombudsman at hihintayin ang implementasyon ng DILG sa usapin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy