Una sa Balita

Nueva Ecija mayor dismayado sa hitsura ng munisipyo

By
0 788

DISMAYADO si Lupao, Nueva Ecija acting Mayor Robert Ganayo sa inabutan ang hitsura at kalaga­yan ng munisipyo makaraang maitalaga, kapalit ng nasuspindeng Mayor Alex Rommel Romano.

“Very disgusting” ang wika ni Ganayo makaraang abutang sarado ang mayor’s office na tinungkab ang sahig at may isang monoblock chair lang na iniwan.

Itinalaga ni Department of Interior and Local Government-Nueva Ecija officer Renato Bernardino si Ganayo, batay sa atas ni DILG Central Luzon director Julie Daquioag na may petsang Disyembre 6, 2018, dahil sa suspension order ng Office of the Ombudsman kay Romano.

Si Romano ay napatawan ng 3 months suspension dahil sa pakiki­pagkontrata umano sa Metro Clark Waste Management Corp. (MCWMC) na walang kaukulang resolusyon ng Sangguniang Bayan (SB), na pinamumunuan ni VM Ganayo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy