Una sa Balita

Nude video ni Diego gamit na gamit sa promo ng movie

By
Diego Loyzaga
0 5,028

Valid ang reason ni Diego Loyzaga na hindi sinasadya ang uploading nito sa Instagram story ng kanyang nude video for posterity habang nasa isang Swedish sauna nang magbakasyon siya sa Amsterdam pero hindi pa rin tama ang ginawa niya.

Dapat maging aware si Diego sa katotoha­nan na marami ang mga celebrity na nasangkot sa mga video at photo scandal dahil naka-store sa kanilang mga cellphone at laptop computer ang mga private video at pictures nila, kahit tanu­ngin pa niya sina Paolo Bediones, Hayden Kho, Jr., Ethel Booba at Alex Crisano.

Naging biktima ng mga video at photo scandal ang mga nabanggit na personalidad dahil kung hindi ibinenta, nasira, ipinagawa o ninakaw ang kanilang mga cellphone at laptop.

Abante Hiring – IT dep

Kahit binura na nila ang mga private video at pictures, na-retrieve pa rin ito ng mga expert sa computer at cellphone.

Actually, much ado about nothing ang reaksyon ng publiko sa litrato ng nude video ni Diego dahil malabong-malabo ito kaya walang nakita. Kung hindi nga lumabas sa IG story ni Diego ang video, hindi malalaman ng mga tao na siya ang may-ari ng hubad na katawan pero naging madali sa kanya ang pag-amin dahil hindi naman kita ang private part niya.

Kung may advantage man ang accidental uploading ni Diego sa kanyang nude video, naka­tulong ito sa publicity ng Mama’s Girl, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. na pinagbibidahan nila nina Sophia Andres, Sylvia Sanchez at Jameson Blake at ipalalabas sa mga sinehan sa January 17.

Si Diego ang sentro ng atensyon ng entertainment writers sa presscon ng Mama’s Girl noong Sabado dahil sa viral nude picture ng private video niya.