Nude photos ng dalagita ikakalat, lalaki nasakote

By

Isang 30-anyos na la­laki na nagbantang ikakalat sa social media ang malalaswang larawan ng 14-anyos na dalagita kapag hindi pumayag na makipag-sex sa kanya ang dinakip ng awto­ridad sa entrapment operation sa Barangay Sindalan, San Fernando City, Pampanga kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang naarestong si Joseph Panganiban y Tuiza, ng 1185 Cataner St., Mt. View, Balibago, Ange­les City na nakadetine ngayon at nahaharap sa kasong Violation of RA 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act), RA 9775 (Anti-Child Pornography Act) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).

Nabatid na humingi ng tulong sa pulisya ang ama ng biktimang itinago sa pangalang ‘Ellen’, ng Mexico, Pampanga dahil sa banta ng suspek na si Panganiban na ikakalat sa social media ang mga sexy at nude photos nito kapag hindi puma­yag na makipagtalik.

Dito na nagkasa ng entrapment operation ang awtoridad at nadakip ang suspek. 

SHARE